Matteo dinadabugan ni Divine pag dumadalaw kay Sarah

SARAH, MATTEO AT MOMMY DIVINE

Totoo kaya ang umiikot na kuwento ngayon na mukhang sumusuko na si Matteo Guidicelli sa mga ipinakikita sa kanya ng ina ni Sarah Geronimo?

Akala pa naman natin ay maayos na maayos ang takbo ng relasyon ng dalawa, lantaran na kasi nilang ipinakikita ang pagmamahal nila sa isa’t isa, hindi tulad nu’n na patago kung makipagrelasyon ang dalaga.

Ayon sa kuwento ay wala namang problema sa pagitan nina Sarah at Matteo, pero meron kay Mommy Divine, ang nu’n pa man ay palagi nang nangongontrabida sa pakikipagrelasyon ng kanyang anak.

“Pinakikitaan niya ng hindi maganda si Matteo kapag dumadalaw sa house nila, dinadabugan, parang gusto nang paalisin, samantalang nagkakasarapan pa sa kuwentuhan ang anak niya at si Matteo,” bulong ng isa naming source.

Sana’y hindi makaapekto sa relasyon nina Matteo at Sarah ang mga ginagawa ni Mommy Divine.

Napakasuwerte na ng sikat na young singer-actress kay Matteo dahil marespeto ang binata, bukod pa sa galing sa isang buena familia, ano pa ba naman ang hahanapin ng pamilya ni Sarah Geronimo sa binatang ito?

Buburuhin na lang ba ng kanyang ina si Sarah?

Wala na ba talaga siyang karapatang lumigaya? Nakakaawang bata.

Read more...