Marian nag-donate ng mamahaling damit sa Kapuso Foundation

MARIAN RIVERA

Nakunan ng picture si Marian Rivera while packing her things na ipamimigay sa recipients ng Kapuso Foundation ng GMA 7.

Ang daming damit at kung anu-ano pang mga gamit na buong pusong ipinamigay ni Marian para sa mga kapus-palad na umaasa sa Kapuso Foundation.

Sa dami ng mga damit ay naloka kami, pawang magaganda pa ang mga ito, ang ilan ay isang beses lang yatang nagamit kaya naman suwerte ang makakakuha nito.

Napakaraming kuhang litrato sa pagpili ni Marian ng mga damit na kanyang ibabahagi sa kanyang kapwa. Maging ang shot na meron siyang kasamang Kapuso Foundation members ay naka-post din.

Napaka-generous pala nitong si Marian, ha. Talagang bukod sa kanyang “Bangka” project para sa mga biktima noon ng bagyong Yolanda ay meron pa siyang ganitong drama.

Kaya lang, medyo naloka kami kasi bakit ang daming photo ops ng kanyang pagdo-donate ng mga damit sa Kapuso Foundation. Hindi ba puwedeng wala na lang?

Read more...