Kim inatake ng nerbiyos kay KC: Paghahandaan ko siya!

KC CONCEPCION AT KIM CHIU

Inamin ni Kim Chiu na inaatake siya ng nerbiyos sa pagsasama nila ni KC Concepcion sa Primetime Bida series na Ikaw Lamang, kasama pa rin ang kanyang leading man na si Coco Martin.

Gaganap silang magkapatid sa book 2 ng serye, si KC ang magiging dalagang Natalia, ang nakatatandang kapatid ni Andrea na gagampanan nga ni Kim, sila ang mga anak ni Isabelle (Kim) sa unang yugto ng Ikaw Lamang na gagampanan naman ngayon ni Amy Austria.

“First time ko siya makatrabaho, siyempre kinakabahan. Ang dami na niyang best actress award,” ani Kim sa presscon ng nasabing serye kamakailan.

“Pero nagkasama naman kami sa mga hang-out, hang-out and cool naman siya. Pero ngayon hindi ko lang alam ‘yung experience na mararanasan namin na mag-ate,” ani Kim na nagsabing paghahandaan talaga ng mga confrontation scenes nila ni KC.

Samantala, ibang-iba ang role ni Kim sa pagpapatuloy ng kuwento, mas cool at mas masaya raw ang karakter niya, unlike sa book 1 na puro iyakan.

“Si Isabelle kasi lagi na lang umiiyak. May mga tweets na ‘kailan ba naming makikitang masaya si Kim (Isabelle). So ngayon si Andrea ang pang-pa light sa mga pinagdadaanan nila,” kuwento pa ng aktres kung saan makakasama niya bilang adoptive parents sina Arlene Muhlach at Smokey Manaloto.

“So ‘yung family namin ang comic relief, parang magaan lang, wala kaming problema. So complete opposite ito sa pinagdaanan ni Isabelle na puro pasakit, puro pahirap, puro bugbog. Sobra, sobra, parang swimming pool na yung iniiyak ko.”

“Ito tawa lang sila ng tawa, wala silang problema, wala man silang pera pero masaya sila,” chika pa ni Kim.

Tungkol naman sa mga bagong na-discover niya sa kanyang leading man na si Coco Martin matapos ang unang yugto ng kanilang soap, “Bagong discovery? Ano, sobra siyang bulol! Ha-hahaha! Yun pag napanood n’yo yung mga bloopers namin sobrang maraming katatawanan na mga nangyayari sa kanya, so yun.”

Mas naging close ba sila? “Okay naman, pero nu’ng book 1 kasi hindi kami masyadong nagkasama kasi sa ibang unit siya kasi magkahiwalay kami ng pamilya, so may kanya-kanyang asawa na kami, mga ganu’n.”

Napapanood ang Ikaw Lamang mula Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida pa rin ng ABS-CBN after Hawak Kamay.

Read more...