Gladys gustong sampalin sina Nora at Maria

GLADYS GUEVARRA, NORA AUNOR AT MARICEL SORIANO

NAPAPAIYAK si Gladys Reyes kapag napapanood niya ang kanyang mga kaibigang sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa TV, lalo na noong kasagsagan ng pagbabatuhan nila ng baho laban sa isa’t isa.

Isa si Gladys sa may magandang marriage life sa mundo ng showbiz, mula noong ikasal sila ni Christopher Roxas ay wala pa tayong nabalitaang kanegahan tungkol sa kanilang pagsasama. Malapit na kaibigan ni Gladys sina Raymart at Claudine kaya nalulungkot siya sa kinauwian ng relasyon ng mga ito.

“Si Claudine, mas una ko siyang naging kaibigan, kasi two years kaming magkasama sa soap opera sa Dos. Si Raymart, nu’ng gumawa kami ng Home Sweet Home (sa GMA). So, nagkaroon ako ng pagkakataon to know them better bilang tao talaga, yung indibidwal nilang pagkatao.

“At masasabi ko, sobra yung panghihinayang ko nga nu’ng time na lumalabas na hindi sila nagkakasundo, may annulment, and all. Kasi ‘pag nakilala mo sila bilang indibidwal, manghihinayang ka talaga kasi parehong mabuting tao, e.

“Parehong may disposisyon sa buhay. Pareho silang masayang kaibigan, masarap kausap kaya sobrang nakakahinayang. Eto talaga, honestly, may pagkakataon, nanonood yata ako ng StarTalk. Pinapakita about yung proceedings nu’ng ano nila… medyo matagal na ito, naiyak ako! Nakakaiyak, nakakahinayang,” kuwento pa ng magaling na kontrabida nang makachika namin bago magsimula ang special screening ng pelikulang “Barber’s Tales” kung saan isa siya sa members ng cast.

Samantala, matagal na palang pangarap ni Gladys na masampal si Superstar Nora Aunor sa isang teleserye o sa pelikula. Ani Gladys, gustung-gusto raw niyang maging kontrabida kay Ate Guy at feeling niya, kapag nangyari ito, baka raw kuyugin siya ng mga Noranians.
Bukod kay Nora, dream din niyang masampal si Maricel Soriano.

Read more...