Mga Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UP
4 p.m. UST vs Ateneo
Team Standings: Ateneo (6-1); NU (5-2); La Salle (5-2); FEU (5-2); UE (3-4); UST (3-4); UP (1-6); Adamson (0-7)
PINANGATAWANAN ng Far Eastern University ang kanilang estado nang kalusin ang Adamson University, 71-62, at makasalo sa pangalawang puwesto sa pagtatapos ng unang elimination round ng 77th UAAP men’s basketball kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
May 21 puntos sa 7-of-11 shooting si Mike Tolomia at lahat ng ito ay ginawa niya sa first half na kung saan hinawakan ng Tamaraws ang 34-26 bentahe.
Tumulong sa pag-atake sina Mark Belo, Roger Pogoy, Carl Cruz at Anthony Hargrove sa mga sumunod na tagpo para layuan na ang Soaring Falcons at mailista ang 5-2 karta na siya ring baraha ng nagdedepensang kampeon De La Salle University at National University.
Si Belo ay may 13 puntos habang si Pogoy ay naghatid ng 9 puntos, 8 rebounds at 3 assists para sa FEU.