HOROSCOPE, August 14, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Sa lahat ng zodiac signs, ikaw ang pinaka-masuwerte sa pera. Sobrang gastos ka lang kaya madaling nauubos. Masosolusyunan ang problema  kung mag-aasawa ka ng kuripot. Sa ganyang paraan mas madali kayong yayaman. Mapalad ang 1, 8, 14, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Tama lang ang ginagawa mo, hindi ka dapat mang-api at hindi karin dapat apihin. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran ipaglaban mo. Sa ganyang paraan, mas lalo kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om.” Pink at purple ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20)—Mag-ingat sa kabigang kulot ang buhok na mangungutang ng malaking halaga at pagkatapos ay hindi magbabayad. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 6, 9, 18, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mori-Om-Moti.”  Blue at red ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21—Upang umunlad, ang isa ay dapat maging dalawa at ang dalawa ay dapat maging apat. Sa pormulang, “multiplication”, mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi naman kailangang doblehin ang kasuyo, isa-isa lang upang lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Silver at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Wag malungkot, panahon na upang magsaya, habang bilog pa ang buwan maraming suwerte matatanggap. Kapag masaya kusang dadami ang pera. Sa pag-ibig, hawahan ng saya ang kasuyong malungkutin upang ang relasyon ay lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 16, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—  Sa pinansyal, hangga’t hindi ka natutong magtipid, patuloy kang kakapusin ng salapi. Sa pakikipagrelasyon hangga’t hindi ka nakikipagbalikan sa isang Aries mananatiling zero ang pag-ibig. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—  Bago simulan ang anomang proyekto, humigop muna ng mainit na kape. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong katawan.  Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

 Libra – (September 23-October 23)—  Kapag kumita ng malaking halaga, itago mo agad ang kalahati upang makaipon ka.  Oohan mo lang lagi ang iyong kasuyo, dahil isa rin siya sa nagdadala sayo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Sandhapa-Om.” Pink at silver ang buenas.

 Scorpio – (October 24 – November 21)—    Sobrang love ka ng iyong kasuyo kaya madalas siyang mag-selos. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Red at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ka ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig bagong ka-relasyon ang dapat, isang Leo ang magpapaligaya sayo. Mapalad ang 9, 15, 24, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Om-Ketu-Mandala-Om.” Lilac at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)— Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan at isipin mo kung paano sila mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Cancer. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.

 Aquarius – (January 20 – February 18)—Hanapin ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Leo, o kaya’y Libra, siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, hindi pera ang sagot sa kalungkutan, kundi ang isang tapat na pakikipagrelasyon.  Mapalad ang 1, 4, 10, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Dosya-Om.” Red at black ang buenas.

 Pisces – (February 19 – March 20)—Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong. Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, para yan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Read more...