Sam Milby type ligawan sina Kathryn at Julia?


SI Sam Milby na leading man nina Anne Curtis at Cristine Reyes sa pelikulang “The Gifted” mula sa Viva Films at MVP Entertainment ang pinagtripang tanungin ng mga katoto kung “gifted” nga ba siya sa totoong buhay.

Natatawa ang aktor at kunwari’y pinauulit ang tanong dahil nga ayaw niya itong sagutin, pero napilitan din siya dahil hindi siya tinigilan ng press.

“I’m half-American, remember, so, yeah, I’m happy and proud with my American side!” tumatawang sabi ng aktor kasabay ng hiyawan ng mga katoto.

Medyo mahina ang pagkakasabi ni Sam ng “American side” kaya inulit uli kung American size raw ba ang sabi niya kaya tawa na naman nang tawa ang aktor. “American side,” diin ng binata.

At sa solo interview ni Sam pagkatapos ng presscon ay nakangiti niyang sinabing, “Hindi ko in-expect ang question na yun!”
Pinag-aagawan si Sam sa “The Gifted” nina Anne at Cristine na parehong pangit sa unang bahagi ng pelikula kaya ang tanong sa binata ay kung nangyari na ba ito sa kanya.

“Whenever I have a girlfriend, sobrang klaro sa lahat na I’m with someone. So, wala namang nangyaring ganu’n (agawan),” ani Samuel. Muli rin siyang tinanong kung meron na siyang lovelife, “Yun pa rin, same walang nagbago sa lovelife ko.

Wala pa. It’s looking up, that’s the only way to put it.”  Sa edad na 30 ay inamin niyang mapili na siya ngayon pagdating sa babae kasi nga hoping siya na kapag nagkarelasyon siya ay ito na ang huli dahil gusto na rin niyang magkaroon ng pamilya.

Ang paliwanag niya, “Kasi, love is something you have to be picky about. You should never settle when it comes to love. I want to know na may future talaga ‘to.

I’m excited because I know I’ll meet the woman that will make you realize why all the past relationships didn’t work out.”
Natanong din si Sam sa tsikang crush niya ang teen actresses ng ABS-CBN na sina Liza Soberano, Julia Barretto at Kathryn Bernardo kaya natanong kung plano niyang ligawan ang mga ito.

“Ang daming magagandang bata ngayon. There’s a lot of beautiful faces in the business ngayon. Pero siyempre, hindi naman puwedeng ma-appreciate ang kagandahan ng mga new actresses in showbiz.

Pero yung parang liligawan ko, wala,” kunot-noong sagot ng aktor. Kinlaro ni Sam na age matter para sa kanya pagdating sa teenagers. “Of course, of course 30 na ako. I find her (Julia) very beautiful. Kahit naman si Liza.

Si Kathryn (Bernardo) is very beautiful. Pero ako, 30 na ako. If it was five years, 18 and 25, pero 30, you grew so much. Grabe ang maturity.

“Kahit mature na 17 or 18, ‘yung growth mo, iba talaga sa 20s. Wala namang ganu’n na gusto kong ligawan.  Puwede kong sabihin na ang ganda naman ng batang ‘to, pero ‘yung gusto kong ligawan, bata!” naiiling na paliwanag ni Sam.

At muling sinabi ng aktor na kapag nagkaroon na siya ng girlfriend ngayon ay, “Kung sino ang susunod na karelasyon ko, I’m really hoping na siya na. That’s why I’m picky because I want to know na siya na.”

Samantala, black comedy daw ang “The Gifted” na idinirek ni Chris Martinez na mapapanood na sa Set. 3 mula sa Viva Films at MVP Entertainment.

( Photo credit to EAS )

Read more...