PNoy baka mabatukan lang | Bandera

PNoy baka mabatukan lang

Leifbilly Begas - August 13, 2014 - 03:00 AM

MUKHANG hindi bebenta ang ideya na amyendahan ang Konstitusyon para makatakbong muli sa pagkapresidente si Pangulong Aquino.

Kung papayag si Aquino ay masyadong malaki ang kanyang itataya para manatili sa puwesto na nagpapasakit sa kanyang ulo dahil sa dami ng problema na kinakaharap ng bansa.

Sabi nga ng ilan, baka bumangon sina Sen. Ninoy at ex-Pres. Cory para batukan si PNoy kung susuportahan nito ang Charter Change para sa sariling kapritso.

Hindi rin malayong lalong magalit ang tao kay PNoy kung magkakaroon ng Chacha at matalo siya sa 2016 presidential polls dahil sasabihin nila na parang wala na siyang pinag-iba sa mga trapong pulitiko.

At kung muli siyang tatakbo at matatalo naman, mas nakakahiya hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa buong pamilya Aquino.

Obvious naman na ang isa pang termino kay Aquino ay isinusulong para magkaroon ng malakas na kalaban si Vice President Jejomar Binay na matagal nang nagdeklara na siya ay tatakbo sa pagkapangulo.

Kung ang survey ang titingnan, malaki ang agwat ni Binay sa kanyang mga kalaban, partikular kay Interior and Local Government Sec. Mar Roxas.

Kaya nga di ba, ginigiba raw si Binay? At ang sagot niya sa mga alegas-yong ipinaparatang sa kanya ay dala lang ng “pulitika”.

Walang makitang pantapat ang mga kalaban ni Binay sa kanya, kaya si PNoy na lang.

Pero maaga pa, marami pang pwedeng mangyari. Hindi rin puwedeng magpakasiguro itong si Binay.

Ang Litex, sa Brgy. Commonwealth ave., ay isa sa pinakaabalang kalsada sa Quezon City.

Maraming trak, jeepney at mga pribadong sasakyan ang dumaraan dito.

Pero mas magiging magaan siguro ang daloy ng trapiko dito kung patatawirin sa tamang tawiran ang mga nagdaraang tao. Ginastusan ang pedestrian lane pero kung saan-saan pa rin nagtatawiran ang mga tao, kaya hindi makatakbo ng maayos ang mga sasakyan.

Natuloy nitong Lunes ng gabi ang pagtalakay sa anti-political dynasty bill.

Siymepre, inaasahan na marami pa rin ang haharang dito, lalo dahil marami ang tatamaan.

Isa na rito si Vice President Jejomar Binay na tatakbo sa 2016 presidential elections.

Tanong pwede nga bang tumakbo si Binay kung maisasabatas ito? Kasi ang anak niyang si Sen. Nancy Binay ay nakaupo pa hanggang 2019.

Baka ito ang nakikitang paraan ng Liberal Party para maharang ang pagtakbo ni Binay, kung talagang hindi uubra ang planong muling patakbuhin si PNoy.

Pero baka naman merong ibang taga-LP na feeling nila ay mas iboboto sila ng tao kaya sila na lang ang tatakbo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang ang gusto ay maisama ang pangalan niya sa mga presidentiables para malaman kung maraming may gusto sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending