May dayaang nangyayari sa It’s Showtime; Vice Ganda Damay?


May dayaan daw na nangyari sa Showtime, partikular sa Ganda Lalaki episode noong Sabado, sabi sa amin ng isang texter.
Mensahe sa amin, “Good day, may scoop ako sa ‘yo.

Alam mo ba na may dayaan sa Ganda Lalake episode last Saturday? Dapat ang panalo ay ‘yung contestant #1, pero binago ang score; contestant #2 para manalo kasi kaibigan ni Vice (Ganda) ‘yung nagpasok do’n sa contestant (2).

Obvious na nega ang comment nina Coleen (Garcia) at ‘yung Mr. Chinatown pero gulat lahat bakit 10 ang score nila. Sana imbestigahan ito ng MTRCB.

Kaya pala may adlib si Vice na hindi pa yata tapos i-tally ang socre, ‘yun pala doctor pa nila.” Tinext namin si Vice tungkol dito pero ang naging sagot lang ng TV host-comedian sa amin ay, “NGEK!”

Binanggit namin sa kanya na baka totoong nagkadoktoran ng score, pero ang sagot uli ni Vice, “NGEK! NGEK!”

( Photo credit to vice ganda official fanpage )

Read more...