USA tinambakan ang Batang Gilas

HINDI umubra ang pambansang koponan ng Pilipinas sa mas matatangkad at mas malalaking manlalaro ng Team USA sa Fiba U17 World Championship Lunes ng gabi sa Al Ahli Arena, Dubai.

Nanalo ang mga Kano, 124-64. Pinaulanan ng tres nina Terrance Ferguson at Josh Jackson ang mga Batang Gilas habang nanalasa naman sa shaded area sina Diamond Stone and Henry Ellenson para sa Team USA na lumamang ng 29 puntos sa halftime break.

Ang wala pang talong USA ang nanguna sa Group A habang ang mga Batang Gilas ay hindi nakarehistro ng panalo sa tatlong laro.

Read more...