Lovi Poe kay Marian: Nirerespeto ko siya, siya ang nakatatanda sa aming lahat dito!


TILA taken out of context ang paliwanag ni Lovi Poe sa rumored rift nila ni Marian Rivera. Her “Wala namang problema sa akin ‘coz I respect her naman. Siyempre, lahat kami dito, parang mas nakakatanda siya sa aming lahat dito.

So, I really respect her. So, wala nang ano…I don’t wanna have any problems or fights,” was taken to mean na sinabihan niyang matanda si Marian sa kanya kaya niya inirerespeto.

Marian and Lovi were reportedly at odd dahil nag-isnaban sila sa isang event. With that seemingly innocent reaction ay nagkaroon ng issue sa dalawang kampo.

“Obvious nmn dati p yan sa temptation island! madaming kaaway c marian warfreak kse ang totoo inaway nia magulang ni heart n matatanda n! popoy at mother lily. halos lahat kaaway ni marian s showbiz…bella, heart, lovi, solen, kristin, carla, venus, karylle, ansabee? Pati fans, isama mo pa pati reporters makeup artists at staff ng sariling network #fact #peace,” say ng isang maka-Lovi.

Kaagad naman itong sinagot ng isang pro-Marian and said, “Dami talaga inggit kay marian. ngiwi ngiwi din pag may time. hahahaha. kahit kailan dpa sumikat c lovi.”

Ang feeling naman ng isa pang maka-Marian ay, “D kya gusto nilang kumapit kay marian pra sumikat cla! hahaha! plit niong dinadown c marian eh d nio sya mapatumba khit c yolanda pa! Hahahaha.”

For another guy, “Hindi ito isang shocking news.. magtaka tayo kung tinawag na bata ni Lovi si Marian gayong hindi nagsisinungaling ang NSO birth certificate.”

Not to be outdone, nagtaray naman ang isang maka-Lovi and commented, “Kung tunay na mabait si marian…wala syang nakakaaway.. palusot lang ‘inggit’ na dahilan.. tsskk.. successful naman si lovi ah.. bat sya maiinggit.”

( Photo credit to EAS )

Read more...