Trabaho sa mag-aasawa

Sulat mula kay Eli, ng Batan, Aklan
Dear Sir Greenfield,
Hindi ko alam kung ang sisisihin ko ay ang gobyerno o ang sarili ko. Napakahirap talaga ng buhay kahit mag-manual labor pa ako ng 24 oras ay kulang talaga ang kikitain ko para sa aking pangangailangan.
Nagkakaedad na ako at gusto ko nang mag-asawa.  Hanggang pa-girlfriend-girlfriend na lang ba ako?  Nakikita ko ang labis na kahirapan sa aking paligid.  Lugmok sa kahirapan ang aking mga kamag-anak.  Kaya iniisip ko na baka kapag nag-asawa na ako, o nag-live in, ay baka wala akong ipakain kapag nawalan ako ng trabaho. Ang gutom ang karaniwang pinagmumulan ng pag-aaway ng mag-asawa. Kelan ako magkakatrabaho?  Ipinanganak ako noong Enero 10, 1986 at May 9, 1986 ang girlfriend ko.  Compatible ba kami?
Umaasa,
Roger ng Barangay San Jose Cawa Cawa, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw ang guhit ng babae sa iyong Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.).  Ang guhit ng babae ang papawi sa takot mo na magutom kayo dahil siya ang tutulong sa iyo para umusad sa buhay.  Makinig sa mga plano ng girlfriend mo at maniwala kang may patutunguhan ito at makakamit ang simpleng pangarap hanggang sa umakyat sa masaganang pamumuhay.
Cartomancy:
King of Spades, King of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ay nagsasabing hindi sa pagiging binata ka uunlad, yayaman at magiging maligaya kundi sa pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya. Ibig sabihin, kung naghirap ang mga kapatid at kaibigan mo noong sila’y nag-asawa, hindi ganon o kabaligtaran nila ang mangyayari sa iyo. Sa halip, sa pag-aasawa ka yayaman at uunlad. Itutuloy

Read more...