JRU asinta ang ika-4 sunod na panalo kontra Mapua | Bandera

JRU asinta ang ika-4 sunod na panalo kontra Mapua

Mike Lee - August 11, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. San Sebastian vs EAC
4 p.m. JRU vs Mapua
Team Standings: San Beda (7-1); Arellano (7-2); JRU (5-3); Perpetual Help (5-3); Lyceum (5-4); St. Benilde (4-4); San Sebastian (3-5); Letran (2-6); EAC (2-6); Mapua (1-7)

ITATAYA ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang tatlong sunod na panalo sa pagbangga sa nangungulelat na Mapua Cardinals sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon at masosolo rin ng Heavy Bombers ang ikatlong puwesto kung magwagi sila sa Cardinals.

May 5-3 baraha ang tropa ni JRU coach Vergel Meneses at kapantay ang pahingang University of Perpetual Help.

Paborito ang Heavy Bombers dahil ang Cardinals ay may 1-7 baraha lamang. Ngunit hindi nagkukumpiyansa si Meneses lalo pa’t nakikitaan din ng magandang porma ang Cardinals.

Hanap niya na pumukpok ang mga bataan mula simula hanggang matapos ang laro para magkaroon ng magandang pagtatapos matapos ang mga asignatura sa unang ikutan.

Unang pagtatapat sa ganap na alas-2 ng hapon ay ang San Sebastian Stags at Emilio Aguinaldo College Generals na nasa ibaba ng team standings.

Matapos ang 3-1 panimula ay apat na sunod na talo ang sumalubong sa Stags para malagay sa ikapitong puwesto.

Nangangapa rin ang Generals sa kanilang porma dahil sa 2-6 karta at makasalo ang Letran Knights sa pangalawa sa huling puwesto.

Asahan na magsisikap ang dalawang koponan na maipanalo ang laro para magkaroon ng momentum papasok sa mahalagang second round.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending