Kris binigyan ni Derek ng bagong ‘BABY’

FINALLY, may bago ng miyembro ang pamilya ng mag-iinang Kris, Joshua at Bimby Aquino. Dumating na sa bahay nila ang matagal na nilang hinihintay.

Sabado ng hatinggabi ay nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng, “Prada is here! Bimb chose his name. Thank You Derek (Ramsay) for the new member of our family and for making my Bimb sooooo HAPPY!

Kuya Josh is still a bit scared #puppylove.”  Sinundan pa ito ng, “He’s (Prada) taken over!  Good night IG friends, from Bimb and Prada…”

Base rin sa post ng headwriter ng Kris TV na si Darla Sauler ay isang Bichon Frise puppy na hypoallergenic si Prada kaya pumayag si Krissy na magkaroon sila ng pet sa bahay dahil nga allergic silang mag-iina sa anumang uri ng hayop na may balahibo.

Kuwento pa ni Darla sabi raw ni Kris, “Si Kuya Joshy ang medyo scared pa sa dog. According to Krisy, having a pet is her way of preparing or testing her kids, kung handa na nga ba silang tumanggap at magmahal ng bagong kapamilya.

In case, na dumating ang time na maisipan nilang mag-adopt.” Huggable si Prada kaya hindi na kami magtataka kung parating karga ni Bimby ang unang pet sa shooting ng “Praybeyt Benjamin 2” na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival kasama sina Vice Ganda at Richard Yap at sa programang Aquino and Abunda Tonight kung saan sinasamahan niya ang mama Kris niya.

Samantala, bukas, Agosto 12 naman ang first shooting day ni Kris ng sequel ng “Feng Shui”  kasama si Coco Martin na ididirek ni Chito Roño bilang entry rin sa 2014 MMFF. Suwerte raw sa feng shui ang petsang ito kaya ito ang pinili ng Queen of All Media.

( Photo credit to EAS )

Read more...