Bistek kinampihan ng madlang pipol sa ‘Sampalan Scandal’


Speaking of drugs, nag-trending noong Friday evening ang ginawang pananampal ni Q.C. Mayor Herbert Bautista sa isang suspected drug dealer na nahulihan ng milyon-milyong halaga ng suspected shabu sa may Philcoa.

Sari-sari ang naging opinyon ng netizens sa naging reaksyon ng aming kumpareng Bistek, pero mas lumamang ang mga natuwa at sumang-ayon sa ginawa nito kahit pa nga raw masasabing inilagay nito sa kanyang mga kamay ang batas.

Hay naku, kahit kami ay sumang-ayon at natuwa sa ginawa ni Mayor Bistek lalo pa’t kung hihintayin nating ang batas ang umusig sa nahuling suspek eh, baka ilang taon na ang nakalipas ay nganga pa rin ang kaso niya.

Mabuti na yung kahit sampal ay napatikim ang mamang yun. Hay, naku kung sa movie nga lang ay super react na kami, sa totoong buhay pa kaya? Kaya Mayor Herbert, go, go, go lang! Mas marami ang naniwalang tama ang naging reaksyon mo kesa sa mga nagmamarunong diyan tungkol sa karapatang pantao kuno! Magtigil nga sila! Hihintayin pa ba nilang sila ang mabiktima ng mga drug addict! Sige nga!

( Photo credit to motorcross inquirer.net )

Read more...