Vice: Hindi namin kayang talunin ang Eat Bulaga!

Super favorite raw niya sina Tito, Vic & Joey

MAGILIW na lumapit at bumati si Vice Ganda sa officers ng Philippine Movie Press Club headed by its president Roldan Castro bago siya umakyat sa kanyang upuan bilang burado judge sa It’s Showtime last Friday.

Kasunod nito ang pagpapaalam kay Vice kung pwede siyang interbyuhin after the show.

Umoo naman si Vice but later on ay lumapit siya sa officers ng PMPC bago matapos ang show para sabihin na may greet and meet pala sila with the advertisers after the show.

Kaya nakipagtsikahan na agad doon si Vice with the entertainment writers bago matapos ang show.

Agad-agad ay tinanong kay Vice kung ano ba ang nangyari sa lumabas na isyu na dinedma niya ang unang grupo ng mga manunulat na naimbitahan sa It’s Showtime.

“Simulang-simula palang nu’ng show in-acknowledge na namin sila collectively. Hinihintay siguro nila na batiin ko sila ng personal.

Sa pagkakaalam ko ibinigay ko. Bumati kami during the show, hindi pa ‘yun, during commercial break, tsumitsika pa kami. Pero honestly, hindi ko kilala lahat sila.

Pero collectively binati namin silang lahat na press na nandu’n.

“After the show nilapitan ko sila. Niyakap ko pa sila na kakilala ko.

Hindi kasi ako plastikera na yayakapin kita kahit hindi kita kilala. Bumati ako. Maliwanag na maliwanag sa puso ko na bumati ako,” paliwanag ni Vice.

Samantala, inamin naman ni Vice na 100% ang ginawa nilang adjustment sa It’s Showtime. One hundred percent din daw ang pagbabago.

“Ang natira lang naman doon sa dating format ay ‘yung talent contest, eh. Bukod du’n, puro bago na, ‘yung mga games.

Wala naman kami dating ganu’n. Mas longer ‘yung time. Nakakapagod siya. Ang mas nakakapagod du’n ay ‘yung demand.

“May demands na mas husayan. Dati kasi, parang relax lang kami. E, itong noontime show, kahit sinasabi nilang we are not here to compete.

Hello! Sa ayaw at sa gusto ninyo dahil may katapat na noontime show, competition pa rin ito.

“Although, ako personally, hindi ko na pinangarap na talunin ang Eat Bulaga.

Ako para sa akin, hindi matatalo ang Eat Bulaga. Sa puso ko mismo paborito ko siya, e.

Ang intensyon na lang namin ay makapagbigay ng magandang ratings sa network.

Ma-improve ‘yung programang isini-share sa ibang tao para mas maging masaya yung viewers namin,” malinaw na pahayag ni Vice.

Read more...