Hayden Kho magpapakamatay

Kapag hindi raw siya binalikan ni Vicki Belo

MARAMI kaming nakakasalubong na non-showbiz friends, at ang lagi nilang tanong sa amin ay kumusta na raw si Dra. Vicki Belo?

Nakipagbalikan na raw ba ito ulit kay Hayden Kho?

“Sana nga ay nauntog na siya. Halata namang kinukuwartahan lang siya ng mokong na iyon, eh, ayaw pa niyang magising.

Kungsabagay, mahirap talagang pakialaman pag affairs of the heart na.

“Walang mali sa taong in love. Hindi niya nakikita ang mga mali, basta ang mahalaga sa kanya ay maligaya siya,” anang isang nakausap namin.

“Hindi rin. Kung bagets pa si Dra. Belo, mauunawaan ko pa siya.

Pero my gosh, matanda na siya, ’no! Gawa na nga ng sensiya ang mukha niya kaya dapat ay magising na talaga siya sa katotohanan.

Marami naman siyang pera kaya puwede siyang maghanap ng iba, pwede niyang gamitin ang pera niya para humanap ng panandaliang kaligayahan hangga’t hindi siya nakakakita ng perfect partner sa buhay, di ba?

“Okay na ‘yung natikman niya si Hayden, huwag siyang pakabaliw.

Kung noon ay nakapag-isip na siya, lalo na nu’ng kasagsagan ng issue kina Katrina Halili and Maricar Reyes, baka tahimik na ang buhay niya.

Kaso hindi, eh. Parang ‘yung lola n’yo pa nga ang nakipaglaban para mapawalang-sala si Hayden.

Kita n’yo ngayon, nambabae na naman, itong si Nancy Castiglione naman ang kinalantari.

“Kasi nga, gurang na rin si Dra. Belo at si Hayden ay batambata pa at masabaw.

Natural na gagamitin lang niya si Belo at yung kikitain niya sa babaeng ito ay gagamitin naman niya para sa paghahanap ng tunay na kaligayahan?” sabi naman ng isang nagmamaasim.

Wow! Para namang bayarang lalaki kung i-describe nila si Hayden. Para namang matronang nagbabayad sa lalaki ang tingin nila kay Dra. Belo?

Wait lang. Please be kind naman to both of them, baka nga naman totoong na-in love sila sa isa’t-isa. Hindi na naman bago ang mga eksenang iyan sa mga buhay ng tao, di ba? That’s something normal.

Anyway, ang dinig namin ay sure na raw si Dra. na kalasan nang tuluyan si Hayden.

She has decided na raw with finality na kakalimutan na ang dating karelasyon.

In fact, mas gumanda raw ang bonding niya with her kids Crystalle and Quark Henares sa States.

May bago na naman daw panakot si Hayden kay Belo – ang kanyang planong pagsu-suicide.

Ayon sa isang common friend namin ni Dra. Belo, sinabi  ng pamosong dermatologist na hindi na raw siya worried, “Kung gusto niyang magpakamatay, go ahead. I don’t care anymore!”

Iyan daw ang say ni Dra. Belo. Naku, true ba ito? Nakaya nga bang sabihin ni Dra. Belo ito?

Oh no! Mukhang pagod na nga siya talaga kay Hayden.

Read more...