‘Hustisya’ ni Ate Guy humahataw sa Cinemalaya 2014


Nakatutuwa ang fans ni Nora Aunor. Talagang post sila nang post ng mga kaganapan sa Cinemalaya movie ni Ate Guy na “Hustisya”.

Meron kaming nakita sa Facebook na photos ng mga fans ni Ate Guy na nanood ng “Hustisya” sa Alabang Town Center. Ang daming photos na ipinost, meron pang pila sa takilya na aming nakita.

‘Yung iba naman ay pina-flash ang mga ticket nila sa movie ni Ate Guy. There was one picture which showed some fans na pinapakita na ibinoboto nila si Ate Guy sa People’s Choice Awards ng Cinemalaya.

Meron namang group photos ng mga bagets na kuha sa iba’t ibang bahagi ng bansa kagaya ng Batangas. Mga Noranians iyon na talagang sumuporta at nanood ng “Hustisya”.

Buhay na buhay ang mga Noranians. Talagang ipinapakita nila na buhos ang kanilang suporta sa nag-iisang Superstar. Actually, ang daming reviews na ang aming nabasa na puro magadanda about “Hustisya”.

Maging ang acting ni Nora ay puring-puri rin ng mga nag-review. We will try to catch the movie this weekend. We’re certain that we will not be disappointed.

Nora has NEVER disappointed us when it comes to ACTING because she’s second to NONE!!!

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Read more...