Taga-Cebu rin ang napapabalitang boyfriend ni Mommy Dionesia Pacquiao. Finally ay inamin na ito ni Pacmom dahil ayaw na raw nitong lumabas na nag-aaway sila ng anak na si Manny at may natatawag na sinungaling sa kanila.
Nauna na kasing ibinuking ni Pacman ang ina na mayroon na ngang BF at ang tsika pa ay nagli-live in na ang mga ito.
Dinenay ni Mommy D ang usaping live-in pero inamin naman niya na ang lalaking ito ang nagpapasaya ngayon sa kanya.
Ayaw daw talagang matawag na sinungaling ni Mommy D na kilala bilang isang relihiyosang ina, kaya’t inamin na rin niya finally na mayroon na siyang boyfriend.
Ito nga yung tinatawag nilang Michael na balitang magtatrabaho na rin sa ibang bansa. Kaya raw inamin na ni Mommy Dionesia ang tungkol sa lalaki ay para matigil na rin ang bintang dito na isa itong oportunista at pineperahan lang ang nanay ni Pacman.
( bandera.ph file photo )