B-day wish ni Marian tutuparin ni Dingdong


Live ang birthday episode ni Marian Rivera tonight. Mamaya, sa Marian, mag-iinit ang dance floor dahil isang powerhouse birthday special ang inihanda ng Kapuso Primetime Queen na pangungunahan ng kanyang  boyfriend of nine years na si Dingdong Dantes.

Say ni Marian, simula noong nag-launch ang Marian, it has been her wish na maging guest si Dong at finally matutupad na siya. “Since it’s my birthday, ito na din ang special gift niya sa kaniya ng production,” she said.

Bukod sa gagawin ni Dong, dapat ding abangan ng mga manonood kung sinu-sino pa ang magiging guests ni Marian. Marian will celebrate her birthday this Aug. 12 actually.

Siguradong pasabog ang episode na aabangan ng mga manonood dahil magsasama-sama sa isang live episode ang ilan sa mga pinakamalalapit na kaibigan ni Yan-yan.

Most probably too, baka complete ang co-host niya tonight including Julie Anne San Jose, Paolo Ballesteros, Mark Bautista and Christian Bautista.

No other PR yet kung sino ang makakasama pa nila or kung sino ang makikipag-reconcile kay Marian for her birthday pero malay natin hindi ba may isang pusong magbago ng isip at makibati, chos!

Mapapanood ang Marian tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

( Photo credit to marian rivera official fanpage )

Read more...