Hamon kina Mark at Piolo: Magpakatotoo nga kayo!!!


NU’NG isang araw, ang tatlong male celebs natin ang bumulaga sa harapan ko – Mark Bautista and Piolo Pascual in one tabloid while Enchong Dee’s story naman in another tabloid na kasama sa aking daily subscription.

They all talked about their lovelife – ang babaeng nais nila to be involved with in three different amusing stories na parang imaginary ang dating sa akin or what.

Naaliw lang ako kaya I am putting them all together in this column for a clear see-through. He-hehehe! Piolo mentioned that he plans to get focused sa next girl sa buhay niya once his son Iñigo turns 18 and that’s next year.

Kasi nangako raw siya sa kaniyang anak na hindi muna siya maggi-girlfriend, tutok muna raw siya sa pagiging ama at pinaghahandaan na rin daw niya that his son may just pick a partner in the coming years.

Good to note na ganoon ka-focus as a father si Piolo, di ba?  “Baklang-bakla naman ang ganoong kadramahan sa buhay. Real men don’t say that anymore.

Pag may dumating na babae sa buhay niya, whether someone na pang-one night stand or for keeps ay kusa na lang darating. Walang schedule-schedule iyan. Hindi pinaplano kumbaga.

Tigilan nga ni Piolo ang emote niya na kesyo next year pa siya magpo-focus sa lovelife niya. “Is he saying na yung magiging girl niya next year ay siya nang makakasama niya for the rest of his life? Ano iyan – frame-up sa sarili? Huwag nga niyang pahirapan ang sarili niya or better yet, huwag na lang siyang mag-dialogue ng ganyan.

Nakakapanindig-balahibo. Aware naman siguro ang buong bansa kung bakit sila naghiwalay ni KC Concepcion noon, di ba? That there was a third party raw sa side ni Piolo and very unconventional pa raw iyon.

You know what I mean,” pagtataray ng isang kaibigang badingding. “I don’t buy his idea on the next girl na darating sa buhay niya. Totoo na ba iyan or pang-front lang?” dagdag pa nito.

Wait lang. Bakit parang galit ka kay Papa P? Eh, sa iyon ang gusto niya, ano naman ang pakialam mo? Kaniya-kaniyang trip lang naman tayo sa buhay, di ba? Kung sa tingin mo’y press release lang ni Papa P iyon, hayaan mo siya.

That’s what he wants kaya leave him alone, puwede?

( bandera.ph file photo )

Read more...