Joseph Marco nahiyang ipakita ang abs sa press


Masaya si Joseph Marco sa nangyayari ngayon sa career niya dahil bukod sa maganda ang rating ng serye nilang Pure Love kasama sina Alex Gonzaga, Matt Evans, Yen Santos, Yam Concepcion at Arjo Atayde ay tinatapos din niya ang pelikulang “Talk Back And You’re Dead” produced ng Viva at Skylight Films na idinirek ni Andoy Ranay.

Kinlaro sa presscon ng movie na hindi raw sequel ng “Ang Diary Ng Panget” ang “Talk Back And You’re Dead” dahil pareho nga ng cast. Magkakasama uli rito sina James Reid, Yassi Pressman at Nadine Ilustre minus Andrei Paras na hindi raw pumuwede kaya si Joseph nga ang kapalit.

Idinenay naman ni direk Andoy na si Joseph ang pumalit dahil wala naman daw sa orihinal na cast si Andrei. Wala naming problema kay Joseph kung second choice siya basta ang mahalaga sa kanya ay kasama siya dahil nga gustung-gusto niyang makatrabaho ang Viva artists lalo’t nag-click ang “Ang Diary Ng Panget”.

Samantala, napansin naming iba ang hair style ngayon ng actor sa pelikula dahil naka-brush up ito at hindi na siya mukhang lumang tao, “Eversince po ito (buhok) talaga ang problema ko, nahihirapan din po kami kasi kulot saka makapal,” saad ng actor.

Hindi naman daw mapagupitan ni Joseph dahil sa continuity ng Pure Love, “Pero sa movie po, naka-brush up para maiba at kulay pula siya,” say ng binata.

Sa nasabing movie maraming topless scenes si James tulad ng ginawa niya sa “Ang Diary Ng Panget” kaya naman hinamon si Joseph ng press kahapon kung nagpakita rin daw ba siya ng katawan, natawa lang ang aktor.

Ngiti lang ang sagot ni Joseph sa hamon ng press na ipakita ang kanyang abs, “Mataba po kasi ako ngayon, hindi ako nakakapag-exercise, kapag wala kasing tulog, ang pinaka-energy is pagkain.

Pero nang masilip namin ang abs ni Joseph ay meron pa rin naman siyang abs.

( Photo credit to joseph marco official fanpage )

Read more...