Na-bash si Kim Chiu just because she took a swipe at one housemate kahit hindi naman niya ito pinangalanan.
“Watched pbb. haha#affected may isang guy super not deserving to be part ng big4. as in tamad feeler makatwiran sa sarili is.”
Though Kim did not name names, marami ang humulang si Joshua Garcia ang pinatutusadahan ni Kim. Ayun, ang dami tuloy naimbiyerna sa young actress. Kinuyog si Kim ng mga supporters ni Joshua. Kung anu-ano ang pinagsasabi nila.
May isang fan na nagsabing ang feeling daw ni Kim ay napaka-perfect nito. Na-turn off ang hitad dahil fan siya ng KimXi love team. Kaagad naman sumagot si Kim at sinabing it’s just her opinion and no harm daw sabay offer ng peace.
MOST READ
LATEST STORIES