Andre Paras kumikita na, pwede nang manligaw


Nabanggit namin (as we recall. Ha-hahaha!) sa unang item sa itaas na half-sisters nga sina Mickey Ferriols at Jackie Forster. Last month lang ay nasa mga balita si Jackie dahil sa sitwasyon ng bunso niyang anak.

Then noong isang araw nang marinig namin ang news kay Archie Alemania, eh si Mickey bigla ang naisip namin. Naging magkarelasyon din sila nang mahabang panahon.

At habang sinusulat namin ito at bukas ang aming TV, hindi namin maiwasang titigan ang guwapong anyo ni Andre Paras sa GMA soap na The Half Sisters.

Anak nina Jackie at pareng Benjie Paras si Andre na noong baby pa hanggang mga 4 or 5 years old ay nakakarga pa namin. Ha-hahahaha!

Gumaganap bilang Bradley na umiibig kay Diane (Barbie Forteza) ang role ni Andre at naloloka talaga kami sa “height difference” nila and yet, kay sarap nilang panoorin on screen.

Mayroon silang chemistry despite nga sa height issue na for sure naman ay ginagawan ng paraan ng production ng serye.
Noong huli naming makapanayam ang batang akor ay umamin itong nakikipag-date na siya pero lagi daw silang grupo kung lumabas at mas preferred nila ang lunch time at big no-no pa ang solo dating.

Masaya rin daw siya na kahit papaano ay nakakapag-ipon na siya though never daw siyang inobliga ng parents niya na mag-ambag sa gastusin sa bahay.

( bandera.ph file photo )

Read more...