‘Hintayin natin ang pagbagsak ni Vice!’


HINDI nga raw nakapag-show si Kris Aquino sa Aquino & Abunda Tonight noong August 1 dahil nandoon sila sa Manila Memorial Park para gunitain ang 5th death anniversary ng mommy niya – the late Tita Cory Aquino.

Dito nga nag-speech ang Lola Kris ninyo at sinabi pa raw ang saloobin nito (complaint) sa kapatid niyang si P-Noy tungkol sa laki nang ibinabayad niyang buwis sa pamahalaan.

During her speech, inamin naman daw niyang napakalaki ng kita niya kaya okay lang na malaki ang binabayaran niyang buwis na napupunta naman daw sa maayos at hindi ibinubulsa ng ibang tao.

Nakakaloka, di ba? Slightly mayabang pa rin! Ha-hahaha! Talagang gusto yatang ipamukha sa taumbayan na marami siyang pera – na sobrang laki ng kinikita niya sa panahon ng panunungkulan ng kaniyang kuyang pangulo ng Pilipinas.

Oo, nandoon na tayo, malaki nga ang kita niya dahil left and right ang shows niya and sandamakmak na endorsements.
Bakit nga ba napakalaki ng kita niya? Kasi nga, kapatid siya ng pangulo.

Mahirap bang i-memorize iyan? Hindi nga niya ninanakaw ang pera ng bayan pero gamit na gamit naman niya ang puwesto nila sa pamahalaan to get all those jobs.

Kumbaga, hayaan nang magutom ang mga kasamahan niya sa showbiz basta ba kumikita siya.  At meron na naman siyang pagresbak sa mga anti-yellow groups. Konti lang naman daw ang mga ito kaya hindi raw siya nababahala.

Even yung ibang mga taga-media raw including some anchors ay nakasuot ng kalaban ng dilaw ay kaya raw niyang tapatan dahil mas marami raw siyang airtime compared sa mga ito.

Oo, nga naman – meron siyang morning show kung saan super spoiled siya ng ABS-CBN sa kung anong gusto niyang i-feature sa show; meron siyang The Buzz every Sundy, may late night show pa siya.

Ang chika kasi, she demanded that she wears yellow the whole month of August at pinayagan daw siya ng istasyon. Ang dahilan niya ay to pay respect sa mga magulang niya who both died sa buwan ng Agosto.

“Galing niyang magpalusot, di ba? Pero kung iba ang magsuot ng kulay na identifiable sa isang pulitiko ay binabawal pero pag si Kris ay oks lang. Ganoon ba iyon? Parang mali naman yata iyon, hindi ba nakakatanggi ang Dos sa mga demands ni Kris?” tanong ng isang raliyista.

Hindi ko po alam. Sa DZMM lang po ako nagwu-work now. We are under News and Current Affairs po ng ABS-CBN kaya hindi ko na po alam ang mga kaganapan sa TV production.

“That’s too much of weight-throwing. Gusto lang actually ni Kris na i-remind ang public na dapat ay suportahan ng mga tao ang kuya niyang pulpol.

Di ba’t ipinagyabang pa niyang marami siyang followers sa social media especially sa Twitter and Instagram at may bonus pa raw ang mga ito dahil sinasagot niya ang tanong ng mga ito.

“Talagang dinama niya ang pagiging star – pumasok na talaga sa ulo niya ang fame, what an egoist indeed!” reaksiyon naman ng isang netizen.

Kung gusto niyang mag-yellow, go ahead! Walang pumipigil sa kaniya, ‘no! Sana ang utak niya ay hindi kulay yellow. Ha-hahaha!

Ang best friend naman ni Kris Aquino na si Vice Ganda ay pinaninindigan ang statement na nasuhulan lang ng pambili ng bigas ang ilang nag-aaklas laban sa pamahalaang pinakikinabangan din niya like a Cojuangco and Aquino.

For him, totoo naman daw na hindi lahat ng mga raliyista ay sincere sa kanilang mga adhikain – marami raw sa mga ito ay binabayaran lang para may pangkain.

“Sabihin man nating totoo ang point niya, wala siyang karapatang ipamukha sa mga tao ang kadukhaan nila. Unang-una, saan ba siya galing? Di ba’t siya rin ang maysabing galing sila sa pamilyang kapos din sa buhay at namumulot ng mga bakal para makatulong sa kita nila noon? Ngayong yumaman lang ang kabayong iyan ay nagyabang na – anti-poor na!?

“Mali iyon. Hindi siya puwedeng mag-criticize dahil wala sa linya ng kaniyang trabaho ang pagiging critic. Komedyante siya na kung tutuusin ay balahura ang dating na binili at kinagat lang ng mga sinasabi niyang mahihirap.

Kung hindi dahil sa masang mahihirap na tinutukoy niya malamang na gutom pa rin siyang hanggang ngayon. “Wait lang kayo, hintayin na lang natin ang pagbagsak niya. Boba siya!” reaksiyon ng isang galit na dating fan ni Vice.

“Bagay nga silang magsama ni Kris Aquino. Naniniwala na nga ako sa sinasabi nilang malapit nang magunaw ang mundo dahil sa mga ganitong uri ng mga tao. Puro kayabangan at mga makasarili.

They disguise to be very religious pero kabaligtaran naman sila sa tunay na buhay! Sana magbago na sila hangga’t hindi pa huli ang lahat!” tili ng isa pa naming kakilala.

No comment tayo riyan. Kayo na lang ang mag-react – ayoko na. PAGOD NA AKO!

( bandera.ph file photo )

Read more...