Angelica matagal nang alam ang lihim ni Derek


Speaking of Angelica Panganiban, syempre much-awaited ang reaksyon ng girlfriend ni John Lloyd Cruz sa paglutang ng matitinding alegasyon ng misis diumano ni Derek Ramsay.

Ang nagki-claim na babae na pinakasalan diumano ni Derek ay si Mary Christine Jolly. Sabi ng ilang showbiz observers, posible raw na may alam na rin si Angelica sa ilang mga nakasaad sa affidavits ni Mary Christine.

Or pwede ring pasabog na impormasyon din ‘yun kay Angelica. Gaya ng tungkol sa anak diumano ni Derek na si Austin, ang pagbibigay sa anak ng dating laptop ni Angelica at ang pagkakahawa raw ng aktor ng sakit doon sa nagki-claim na misis niya.

Sa tagal ng relasyon noon ni Angelica kay Derek, imposible namang nalihim lahat ‘yan sa sexy star, ‘di ba? And if ever na wala talagang ideya si Angelica sa mga nakasaad sa affidavit nu’ng ex-wife raw ni Derek, for sure, umuusok na sa galit ulit ang sexy star sa kanyang ex-boyfriend.

Aba, e, sino ba namang babae ang matutuwa na kapag nalaman mo ang ex-boyfriend mo ay nahawaan ng anumang “sakit” na pwedeng ma-transfer sa ‘yo, ‘di ba? ‘Yun ay kung totoo nga ang akusasyon ng dating misis ni Derek.

Oh, well, nakalagay din naman sa affidavit ni Mary Christine na gumaling naman siya after she underwent medical treatment sa isang ospital sa Makati City. Kaya walang dapat ikabahala si Angelica, ‘no?

( Photo credit to EAS )

Read more...