Claudine, Raymart ‘NAGBALIKAN’ para sa 7th birthday ni Santino


PICTURE of a happy family sina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa 7th birthday celebration ng anak nilang si Santino.
Nakita namin ang photo na ipinost ng GMA entertainment reporter na si Aubrey Carampel.

Nakunan si Raymart habang sinisindihan ang candle ng birthday cake ni Santino. Katabi nila sina Claudine at Sabina.  Sa isang photo naman na lumabas sa isang website, nakunan si Raymart na karga-karga si Santino for him to be able to blow the candle on his birthday cake.

Katabi niya si Claudine na ang saya-saya ng aura. Marami ang natuwa sa mga photos na naglabasan sa social media. Kahit sandali lang, for the sake of their son na si Santino ay naging masaya ang ex-couple, nawala ang tension sa pagitan nila.

Many wished na sana ay pangmatagalan na ang nakitang saya at ngiti sa mga mukha at labi nina Claudine at Raymart. They hope that it is the beginning of a beautiful friendship between the ex-couple.

( Photo credit to EAS )

Read more...