Bumababang grado (2)

Sulat mula kay Detdet ng Barangay Baybay San Roque, Ozamiz
Problema:
1.      Nawawalan na ako ng ganang mag-aral.  Hindi naman ako bobo pero pababa nang pababa ang aking mga grado sa kursong kinukuha ko.  Simpleng kurso lang ito, tourism and environment administration.  Bagaman may bumabagabag na problema sa buhay ko, nakakayanan ko pa naman ang pag-aaral.
2. Nagtataka ako dahil nitong huling semestre, bumaba ang mga grado ko. Sa susunod na pasukan ay balak ko nang lumipat ng kurso.  Pero, parang mas mahirap na ang kursong lilipatan ko at natatakot ako na mas lalong bumaba ang grado ko. Payuhan ninyo ako. Naglalaro sa isip ko ang mag-abroad.   Susuwertehin kaya ako sa abroad?  Ang birthday ko ay Mayo 27, 1996.
Umaasa,
Detdet ng Barangay Baybay San Roque,  Ozamiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mo (Illustration 2.) ay nagsasabing bagay at angkop sa iyo ang kurso mo ngayon, kaya hindi ka dapat lumipat ng kurso. Maraming isinilang na naging matagumpay sa nasabing career at sila ay nakapagtapos ng pag-aaral.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing kung halimbawang nakatapos ka na, tuklasin ang mas mataas pang pag-aaral.
Graphology:
Pansining tila umaangat pataas ang iyong lagda. Ito naman ay tanda na ngayon palang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang pangingibang bansa. Mangyayari pagkatapos mong mag-aral, may mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Upang magkaroon ka ng inspirasyon at ‘wag nang tamarin sa pag-aaral, tulad ng nasabi na sa Palmistry at Cartomancy, kailangan mong magkaroon ng boyfriend at bukod sa boyfriend na makakatulong upang matapos mo ang iyong pag-aaral, ugaliin mo ring magsuot ng kulay na asul, violet at pula. Sa ganyang paraan, ang magagandang pag-aanalisang tinuran sa itaas ay kusa nang matutupad sa iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Detdet, ayon sa iyong kapalaran, wala kang dapat gawing pagbabago sa kasalukuyan, kundi ang makipag-boyfriend sa isang kaklase mo din. Sa ganyang paraan, tiyak na ang magaganap, lilipas ang mga dalawa o tatlong taon, ganap ka nang makatatapos ng pag-aaral.

Read more...