Angeline natakot, ayaw nang sumali sa MMFF 2014


Nilinaw ni Angeline Quinto ang hindi niya pagkakatuloy para sa movie project na “English Only Please.” Isa ang pelikulang nabanggit sa official entries para sa nalalapit na 2014 Metro Manila Film Festival.

Sa naunang isinumite ng producer ng pelikula sa MMFF committee ang pangalan nina Sam Milby at Angeline Quinto bilang mga bida. Pero kamakailan ay nabalitang nagsimula na ang shooting ng pelikula sa pangunguna nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado.

“Actually, nagulat po kasi ako na kasama po pala siya sa MMFF. Medyo hindi pa po talaga ako ready sa ganoon. So, sobrang pressure po sa akin.

Sabi ko po sa management baka po pwedeng next time na lang po siguro kapag ready na ako,”  esplika ni Angeline. Bago pa man mag-backout sa project si Angeline, nauna na sa kanya si Sam.

“Nagdalawang-isip talaga ako. Kasi, ang hirap naman pong umoo na hindi naman buo ang loob mo, ‘di ba? Lalo na pang-MMFF pa siya. Tsaka kasi ang dami kong plano sa MMFF.

Kasi susuportahan ko talaga si Vice (Ganda) at si Ms. Kris (Aquino) sa movie nila. So, sabi ko, huwag naman muna. Hindi ko pa kaya talaga,” diin niya.

Anyway, nagpasalamat naman si Angeline kay Dra. Vicki Belo na siyang dahilan ng pagputi at pagkinis ng balat niya ngayon. Nais din naming magpasalamat sa lahat nang sumuporta sa show ni Angeline sa Klownz most especially to former National Press Club president and publisher Jerry Yap, Mayor Herbert Bautsita, Atty. Ferdie Topacio, Gladys Reyes, Angelu de Leon at kay Cristalle Heneras ng Belo Essentials.

( Photo credit to angeline quinto official fanpage )

Read more...