Ejay Falcon may 3 mamahaling sasakyan, regalo ng Bading?


AKSIDENTENG nagkita kami ni Ejay Falcon sa labas ng ABS-CBN  kamakailan. May dinala lang na something for a friend si Ejay that time. Nasa loob ng  pick-up van from a high-end brand si Ejay habang kausap namin.

Hindi na siya bumaba ng sasakyan. Mukhang true nga ang tsika na may tatlong bagong branded cars ngayon si Ejay, huh! For sure, ang reaksyon ng iba diyan may mayamang benefactor ang aktor.

Baka iniisip ng iba either mayamang gay or matrona ang gumagastos ngayon sa kanya. Pero hindi naman nakakagulat kung may bagong sasakyan ngayon si Ejay dahil sunud-sunod ang projects niya sa ABS-CBN at may ilang endorsements din.

Balita namin ibinigay na ni Ejay ang luma niyang kotse sa kanyang talent manager at hairstylist na si Benjie Alipio. Hindi lang kotse ang ibinigay ni Ejay sa kanyang manager kundi pati ang mga lumang gamit ni Benjie sa kanyang beauty parlor ay pinalitan na ni Ejay.

May bago ring teleserye si Ejay pagkatapos ng Dugong Buhay. Kinorek pa niya kami when we asked him kung pumasa ba siya sa audition ng bagong teleserye ng Kapamilya network na halaw sa isang foreign drama series, ang Passion de Amor.

“Hindi po ako nag-audition. Test shots na po ata ‘yun, e,” paglilinaw niya. Una naming naisulat dito sa kolum namin sa BANDERA ang plano ng ABS-CBN na gawan ng Pinoy version ang Passion de Amor.

Since medyo sexy at daring ang tema ng drama series kaya dapat mga sexy din ang bida sa serye. So, we heard sina Angelica Panganiban at Cristine Reyes ang mga bidang babae rito. Habang nabanggit sa amin na kasali rin si JC de Vera.

And since, kinumpirma naman ni Ejay na test shot na pala ‘yung ginawa niya at ‘di audition, malamang kasama na nga siya sa said project. Hindi lang namin sure kung ang Pinoy version ng Passion de Amor ang papalit sa magtatapos na afternoon serye ng ABS-CBN na Moon of Desire.

( Photo credit to ejay falcon official fanpage )

Read more...