Aiko inisnab ng young actor sa loob ng ABS-CBN


Inisnab daw si Aiko Melendez ng isang young actor. Ayon sa aktres, may mga kakilala siyang kabataang artista na hindi marunong rumespeto sa mga veteran stars tulad niya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, isang young actor daw ang nangdedma sa kanya pagkatapos niyang magpakilala rito. “Ako kasi for a time, ‘di ba I was away when I was in politics, so hindi talaga ako updated sa mga baguhang artista.

Hindi ko sila kilala. So ako, my way of reaching out is when I see them, I smile at them hoping that I get a smile back and introduce myself,” paliwanag ni Aiko.

“There was this one time, I was just smiling dito sa bagets na artistang ito. So sabi ko sa kanya ‘Hi, I’m Aiko Melendez.’ Tapos wala lang, tinignan lang niya ako. So sabi ko parang, ay okay,” sabi pa ni Aiko sa naturang interview.

Ayaw nang pangalanan ni Aiko ang nasabing aktor pero nangyari raw ‘yun sa loob ng building ng ABS-CBN. Ipinagdasal na lang daw niya ang isnaberong bagets actor.

( Photo credit to aiko melendez official fanpage )

Read more...