Kris umariba na naman ang kayabangan, tinira ang mga kalaban ni P-Noy
Kris Aquino was full of yabang when it comes to critics of her brother, President Noynoy Aquino. “Sabi ko, okay lang, tirahin niyo kami nang tirahin, marami naman kaming venue na iangat si Noy,” she said in one interview, referring to the critics of her brother.
Ganoon ba dapat ang asta ng isang presidential sister? Parang napakayabang naman niya para magsalita nang ganoon, ‘di ba?
Her kayabangang mula-Aparri-hanggang-Jolo continued when she said na magsusuot siya ng dilaw na damit dahil napansin niya ang color na suot ng news reporters sa kalabang station.
Sabi ba naman ni Kris, “Ate, mas marami naman akong airtime sa kanila. Starting today, magdidilaw talaga ako.” Kung hindi ba naman kayabangan ‘yan ay ano kaya ang maaaring itawag diyan?
Since when have you become a DICTATOR? Ang gusto mo ba, dahil nanawagan ang brother mong si P-Noy na magsuot na dilaw na damit ay batas iyong susundin ng lahat?
Where’s DEMOCRACY? Wala na bang kalayaan ang mga tao na magsuot ng damit na may ibang kulay bukod sa dilaw?
While it’s true na marami pa rin namang nananalig kay P-Noy ay hindi naman maikakaila na marami rin namang naiinis sa kanyang pamamalakad.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.