Paul George nagtamo ng leg injury sa scrimmage


HUMANTONG sa isang bangungot ang intra-squad scrimmage ng Team USA nang magtamo ng   severe lower right leg injury ang star player ng Indiana Pacers na si  Paul George kahapon sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Agad na tinigil ang practice game, binuhat sa stretcher si George at dinala sa ospital. Ang naturang scrimmage ay bilang paghahanda ng Team USA sa nala-lapit na FIBA World Cup na gaganapin sa Spain.

Naganap ang injury  sa fourth quarter nang humarurot sa isang fastbreak layup si James Harden. Hinabol siya ni George para burahin  ang tira ni Harden   ngunit hindi maganda ang bagsak ng Pacers forward  na naglupasay sa sahig.

Tila natulala ang mga kakampi ni George sa nangyari kabilang na si Harden. “With the serious injury that we had and the fact that we stopped playing for a long period of time, and out of respect for Paul and his family, the scrimmage is done,” sabi ni  US coach Mike Krzyzewski.

Ang two-time All-Star na si George ay nag-average ng 21.7 points, 6.8 rebounds at 3.5 assists para sa Pacers sa nagdaang  NBA season.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...