Suwerte sa ikalawa

Sulat mula kay Imelda ng La Libertad, Zamboanga del Norte
Dear Sir Greenfield,
Hindi na pala binata ang lalaking nakabuntis sa akin.  Napakabait kasi niya at maginoo, mga katangian ng lalaki na bihira nang makita ngayon.  Nakikaka ko siya sa pamamagitan ng text, hanggang sa mag-eyeball kami.  Napakalinis niya at napakalagkit ng kanyang ngiti kaya naging boyfriend ko agad siya.  Hindi ko naman ibinigay sa kanya ang aking katawan sa unang pagkikita namin dahil wala pa akong nalalaman hinggil sa kanya.  Naulit at naging madalas ang aming pagkikita hanggang sa sumama na ako sa kanya sa motel.  Nang mabuntis ako, nalaman kong may asawa na pala siya at anak.  Ang masakit, nag-text pa sa akin ang asawa niya at ako pa ang naging kontrabida.  Hindi na nagpakita sa akin ang aking boyfriend.  Susustentuhan ba niya ang bata? Ano ang aking kinabukasan?
Umaasa,
Imelda ng La
Libertad, Zamboanga del Norte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang malungkot dahil tila nakatawid ka na sa madilim na bahagi ng buhay mo.  Dalawa ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.)  sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak  (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.).  Kung malas ang unang pag-ibig, suwerte ang ikalawang pag-ibig.  Pero kailangang mag-ingat ka pa rin at gamitin ang mapait na aral para mahanap mo ang suwerte.  Darating ang lalaki na tunay na magmamahal sa iyo.
Cartomancy:
Mas mabuting huwag mo nang asahan ang unang lalaki sa buhay mo.  Ang walang kwentang lalaki ay hindi pinanghihinayangan.  Ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), huwag mo nang isiping babalik pa siya dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya. Mas may kaya ito sa buhay, tapat at panghabambuhay na.
Sagot sa sulat ni Imelda ng La Libertad, Zamboanga del Norte
Problema:
1.      Hindi na pala binata ang lalaking nakabuntis sa akin.  Napakabait kasi niya at maginoo, mga katangian ng lalaki na bihira nang makita ngayon.  Nakikaka ko siya sa pamamagitan ng text, hanggang sa mag-eyeball kami.  Napakalinis niya at napakalagkit ng kanyang ngiti kaya naging boyfriend ko agad siya.  Hindi ko naman ibinigay sa kanya ang aking katawan sa unang pagkikita namin dahil wala pa akong nalalaman hinggil sa kanya.
2. Naulit at naging madalas ang aming pagkikita hanggang sa sumama na ako sa kanya sa motel.  Nang mabuntis ako, nalaman kong may asawa na pala siya at anak.  Ang masakit, nag-text pa sa akin ang asawa niya at ako pa ang naging kontrabida.  Hindi na nagpakita sa akin ang aking boyfriend.  Susustentuhan ba niya ang bata? Ano ang aking kinabukasan?

Solusyon/Analysis:
 Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius  (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo rin, hanggang sa dumating ang ikalawang pag-ibig na hatid ng isang Gemini, sa kanyang pagdating habambuhay ka nang liligaya kahit pa sabihing magiging dalagang ina ka na.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing namang dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng kabaitan at kabutihan ng tadhana. Mangyayari sa sandaling dumating na sa last quarter ng taon ang lalaking isinilang sa petsang 29.
Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon ay hindi ka na luluha pang muli, ayusin at pagandahin mo ang nababoy at may malaking bilog na lagda sa unahangbahagi ng iyong pirma. Magagawa mo yan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “M” na lang. Sa ganyang maayos at simple lagda sa ikalawang pakikipag-relasyon habambuhay ka nang liligaya.
Huling payo at paalala:
Imelda, ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon, okey lang yan, lilipas at mapaglalabanan mo ang pagsubok na nabanggit at kahit na maging dalagang ina ka pa, nakatakda na ang magaganap sa taon 2015, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang ina ka, wagas nyang mamahalin at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Read more...