Eugene napaiyak sa presscon ng Barber’s Tales


Napaiyak si Eugene Domingo sa presscon ng award-winning movie nilang “Barber’s Tales” na idinirek ni Jun Lana under APT Entertainment.

Naipalabas na sa iba’t ibang international film festival ang nasabing pelikula kung saan umani nga ito ng napakaraming parangal kabilang na ang Best Actress award para kay Eugene sa 26th Tokyo International Film Festival.

Ipalalabas naman ito nationwide dito sa Pilipinas sa Aug. 13 kung saan kasama rin sina Iza Calzado, Gladys Reyes, Nonie Buencamino, Eddie Garcia, Nicco Manalo, Daniel Fernando with the special participation of Superstar Nora Aunor.

Ayon kay Uge, hindi niya inasahan na hahakot ng parangal ang “Barber’s Tales sa ibang bansa, “Hindi, hindi ko inasahan. Sa totoo lang, kapag nagpapalabas ka ng pelikula sa ibang bansa, wala kang inaasahang pagkapanalo o kung anuman.

“Ayoko lang maging kahiya-hiya, sa totoo lang. Kasi, dala-dala mo ang pangalan ng Pilipinas. Makita mo lang na punung-puno, makita mo lang na pagkatapos ng pelikula ay dalang-dala sila at hindi ka nila bibitawan, yayakapin, ipaparamdam nila how honored they are they attended your screening, Filipino film in a festival…hindi ko kasi alam kung paano…!” Hindi na naituloy ni Uge ang pagsasalita dahil bigla na lang siyang napaluha na ikinagulat talaga ng press.

Paliwanag niya, “I’m very emotional right now, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa inyo o ibebenta ang pelikulang ito. Pagod na akong magbenta, totoo.

Natatandaan ko ang mga mukha ninyo, nakita niyo na ako, I’m so tired selling films.“If those honors and awards are not enough, I don’t know how. And I even say, it’s going to be my last film.

But unfortunately, I signed a contract with Star Cinema, napakatuso ng kontrata. Kaya siguro ako nagiging emotional. I don’t know how to sell a movie like this, because this comes once in a lifetime.

“Hindi ko alam kung mabibigyan pa ako ng pagkakataon na ganito. Pasensiya na kayo, pardon. I’m so very highly emotional. Sabi ko nga kay Direk Jun, nag-uusap kami, ‘Why I am so terrified in my own career than anywhere in the world?’ “Iniisip ko, ‘Ano ba ‘yan, nakaka-insecure.

Pero hindi naman basura ang ipapakita mo, ‘di ba?’ I’m terrified to the bones. Please give us a chance. Kahit lima lang ang nasa sinehan, pero lalabas na kumpleto, masaya na ako. I can exit, completely,” pahayag ng TV host-actress.

Dito rin niya inamin na nalulungkot siya dahil kahit na magaganda ang ilang pelikulang nagawa niya ay hindi naging maganda ang record sa takilya, “Oo, totoo ‘yan. Hindi naman ako magsisinungaling.

It’s frustrating, in a way. I’m only human. I’m also an artist. “I’m basically a fan of creative works na hindi lang puro commercial.  Siguro, nag-uugat ako sa pinanggalingan namin ni Shamaine (Buencamino, co-star niya sa Barber’s Tales) na teatro pa rin.

Hindi naman ako superstar-material. I’m just here to give you what you deserve,” sey pa ng award-winning actress. Anyway, nangako kami na panonoorin namin ang “Barber’s Tales” dahil naniniwala kami kay Uge at kay direk Jun na talagang ikaka-proud ng bawat Pinoy ang pelikulang ito.

Sey nga ni Uge, “Noong binasa ko na ang script, napatayo ako at napapalakpak. Sabi ko kay direk, I think we have a beautiful script. Not only the tale of a barber, but a tale of every one of us.

Ika nga ng mga Pranses na nanood, ‘This is a very important film.’” “Sa palagay ko, being in this film…This is not the most enjoyable film, this is not the best environment shooting.

But when I saw it, when I finally saw the outcome, it gave me a feeling of fulfillment and contentment—and it’s not bad to feel contented. “As an actor, I’m satisfied with this film. And the satisfaction will be with me for a very, very long time.”

Hindi kaya mag-aasawa na siya kaya gusto niyang magpahinga muna? “Hindi ba puwedeng hindi mag-asawa kapag nag-retire? Puwede namang magtanim lang, puwede namang mag-alaga ng aso, ‘di ba?

But honestly, I will always be a supporter of Filipino films anywhere in the world. It’s just that, sometimes, you have to accept that you’re okay, you’re satisfied.

Napakasarap lang na makuntento. Hindi naman po ako aalis, I’m always here to support. Let me enjoy other things that I want to do.”

( Photo credit to eugene domingo official fanpage )

Read more...