Laro Ngayon
(The Arena)
2:30 p.m. Lyceum vs
St. Benilde
Team Standings: San Beda (6-1); Arellano
(5-2); Perpetual Help
(4-2); Lyceum (4-3); Jose Rizal (4-3); St. Benilde
(3-3); San Sebastian
(3-4); Letran (2-4); Emilio Aguinaldo (1-5); Mapua (1-6)
UMARANGKADA agad ang San Beda College Red Lions sa 27-7 panimula para makabangon agad matapos lumasap ng unang pagkatalo sa 75-56 pamamayani kontra sa San Sebastian College Stags sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sina Anthony Semerad, Arthur dela Cruz, Ola Adeogun at Ranbill Tongco ay gumawa ng 19, 14, 12 at 12 puntos habang si Adeogun ay may 16 rebounds at six blocks para makita ang magandang opensa at depensa ng tropa ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Si CJ Perez ay nagtapos na may 13 puntos para sa San Sebastian habang si Bradwyn Guinto ay may 10 puntos. Nanatili ang koponan sa unang puwesto sa 6-1 karta habang bumaba ang Stags sa 3-4 baraha.
“We came from a big loss, and I told the boys that whatever they will do out there will prove our character,” sabi ni Fernandez. “I thought they will be down after losing to St. Benilde but they came out strong.”
Binigo naman ng host Jose Rizal University Heavy Bombers ang pinuntiryang pakikisalo sa lideraro ng Arellano University Chiefs matapos ang mapaubos-hiningang 99-98 triple overtime panalo sa ikalawang laro.
Bumangon ang Heavy Bombers mula sa 47-57 iskor sa kalagitnaan ng ikaapat na yugto at tuluyang tinapos ang hininga ng Chiefs sa apat na magkasunod na puntos ni Jaycee Asuncion at ang block ni Abdul Adbudwahab kay Jiovani Jalalon sa huling mga segundo ng labanan.
Si Asuncion ay may 21 puntos tulad ni Michael Mabulak habang si Abdulwahab ay may 18 puntos, 21 rebounds at 2 blocks. Si Philip Paniamogan ay may 15 puntos kahit may iniindang sipon para saluhan ng JRU ang pahingang Lyceum Pirates sa ikaapat na puwesto sa 4-3 karta.
May 25 at 21 puntos sina Dioncee Holts at Jalalon para sa Chiefs na bumaba sa pangalawang puwesto sa 5-2 karta. “My players showed that we belong to this league,” sabi ni JRU coach Vergel Meneses. “I didn’t ask for a win but a game where they will give their best. Tonight they showed that.”
( Photo credit to inquirer news service )