Carla kinilig, ginawan ng kanta at tula ni Tom


KOMENTO ng ilan naming kakilala, dapat daw ay si Carla Abellana ang tawaging Primetime Queen ng GMA 7 at hindi si Marian Rivera dahil halos lahat ng programa nito ay hataw sa ratings game, bukod pa sa kumikita ang mga pelikula niya.

Kaya agad naming kinuha ang reaksiyon ng aktres tungkol dito sa ginanap na pocket presscon ng latest movie niyang “Somebody To Love” mula sa Regal Entertainment.

“Wow! Well, siguro dapat manggaling iyon sa network, kasi ang desisyon na ‘yan ay wala naman sa atin or wala rin naman sa public or sa viewers, it should come from the network, I guess.

“Hindi ko naman alam kung ano ang qualifications or kung anong standard para mapabilang ka? I don’t know how that works, pero flattered siyempre kasi napansin ako, siyempre compliment ‘yun na nakikita nilang  possible or nakikita nilang  puwede,” ani Carla.

Nakakalimang taon palang si Carla sa GMA, mas nauna si Marian sa kanya kaya siguro sa girlfriend ni Dingdong Dantes ibinigay ang nasabing titulo.

Samantala, sunud-sunod ang magagandang rating ng programa ni Carla at kumikitang pelikula kaya inamin niyang nape-pressure rin siya.

“Siyempre, whether teleserye ‘yan or pelikula, hindi mawawala kasi alam mong a lot was invested, alam mong malaking risk, alam mong malaking hindi biro ‘yung binuong projects na ‘yun para sa ‘yo or para ma-consider ka man lang nila.

“Malaki ‘yun kasi dala-dala mo ‘yung pangalan ng GMA or ng Regal Films ganyan, so hindi mawawala ‘yung pressure, no matter how confident you are, nandoon pa rin ‘yung pressure or kaba lagi,” katwiran ng aktres.

Para kay Carla mahalaga pa rin ang rating, “Of course, although hindi na ako nagpapaapekto kung mataas man ‘yan o mababa, consistent man o hindi.

“Kasi dati nu’ng medyo baguhan pa ako, lagi ko pang iniisip ‘yan, hindi ako nakakatulog sa gabi, but then, natutunan ko so far, the past five years, hindi ko na responsibility ‘yan bilang aktres kasi nag-iisa ka lang.

Napakaraming taong involved para mag-rate ang serye mo o kumita ang isang pelikula hindi lang iyon nakasalalay sa akin, hindi dapat hayaan na maapektuhan ka. As long as I did my best, I do my part, okay na ‘yun,” pahayag pa ng aktres.

Napag-usapan naman si Tom Rodriguez na leading man ni Carla sa kanyang serye ngayon sa GMA at nakasama niya sa pelikulang “So It’s You”, may pag-asa ba sa kanya ang binata na diretso nang sinabi na inspired ito ngayon dahil sa kanya?

“I don’t know, I wouldn’t say, I honestly don’t know kasi wala akong free time, araw-araw akong may trabaho, may taping, so how can I say na it’s going there kung I don’t have time.

At least magkasama kami sa trabaho, ganu’n na lang muna,” ani Carla. Bukod dito ay hindi pa naman pormal na nanliligaw si Tom sa kanya, pero base naman sa ipinapakita nitong effort sa pag-compose ng kanta at pagsusulat ng mga tula para sa kanya ay, “Oo I know he’s getting there (ligaw) kasi there’s nobody naman na ordinary person would just write poems and songs to anybody. Siyempre may something special ‘yun,” anito.

“I’m extremely glad and grateful that he say nice things towards me, hindi naman lahat ng tao napi-please natin, hindi naman lahat ng tao ay napapasaya natin, kaya natutuwa ako kasi may napapasaya ako,” nakangiting sabi ng aktres.

Halos lahat ng sinulat ni Tom na tula para kay Carla ay nagustuhan niya, “Kinikilig naman, kasi wala ng gumagawa niyan…sa text, social media, the fact na there’s somebody who writes for you, makes you feel special,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, dalawa ang leading man ni Carla sa “Somebody To Love”, sina Jason Abalos at Matteo Guidicelli. Kasama rin dito sina Iza Calzado, Kiray Celis, Isabel Daza, Albie Casino, Manuel Chua, Ella Cruz, Beauty Gonzales, Natalie Hart, Maricar Reyes-Poon at Jaclyn Jose.  Showing na ito sa Agosto 20 sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

( Photo credit to EAs )

Read more...