Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UP vs UST
4 p.m. La Salle vs
Adamson
Team Standings: NU (4-1); Ateneo (3-1); FEU (3-1); UST (2-1); La Salle (2-2); UE (2-2); Adamson (0-4); UP (0-4)
HAWAKAN ang winning record sa unang pagkakataon ang magtutulak sa nagdedepensang kampeong De La Salle University Green Archers na itaas pa ang antas ng paglalaro kontra sa Adamson University Falcons sa 77th UAAP men’s basketball ngayon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Dakong alas-4 ng hapon magsisimula ang tagisan at ikatlong sunod na panalo ang maililista ng Archers kung manaig sa Falcons na papasok sa laban bitbit ang 0-4 karta.
Pagtatangkaan ng University of Santo Tomas Tigers ang makasalo sa pangalawang puwesto sakaling manaig sa University of the Philippines Fighting Maroons sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.
May 2-1 baraha ang tropa ni UST rookie coach Bong dela Cruz at ang ikatlong dikit na panalo ay mag-aakyat sa Tigers para saluhan ang Ateneo de Manila University Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws sa pangalawang puwesto sa 3-1 karta.
Umaasa si Dela Cruz na makikitaan ng mas magandang intensidad at consistency para hindi maulit ang muntik na pagkatalo sa Falcons sa huling laro, 50-49.
Determinado ang Fighting Maroons na haharap sa Tigers para putulin na ang 25-game losing streak na magsimula noon pang 2002. Sina Karim Abdul (11.6 puntos, 8.67 rebounds at 2 blocks) at Kevin Ferrer (11 points at 5.67 rebounds) ang mga sasandalan ng UST pero dapat na maitaas pa ni Aljon Mariano ang ibinibigay sa koponan.
Matapos ang tatlong laro, ang 6-foot-3 forward ay naghahatid lamang ng 7 puntos at 5.67 rebounds sa 17.6 minutong paglalaro.
Tinalo ng La Salle ang National University, 57-55, at host University of the East, 60-58, para makabawi sa pagkatalo sa FEU at Ateneo.
( Photo credit to inquirer news service )