Pacman pinag-iingat sa lalaki si Mommy Dionisia

MANNY AT DIONISIA PACQUIAO

Pinag-iingat pala ni Manny Pacquiao ang kanyang inang si Mommy Dionisia pagdating sa pagpili ng magiging bagong partner.
Ibinuking mismo ni Pacman ang kanyang nanay, marami raw itong manliligaw ngayon. Hindi naman daw siya tutol sa pakikipagrelasyon uli ni Mommy D, ang payo lang niya rito ay pumili ng tamang lalaki.

Pero sabi naman ni Mommy D, natural lang daw ang maraming manligaw sa kanya, pero wala pa raw siyang sinasagot sa mga ito. – Ervin Santiago

Read more...