Empress nagpasipsip ng taba-taba sa hita

EMPRESS

NAABUTAN namin ang pictorial ng bagong celebrity endorser ng Belo Medical Clinic kasama ang kilalang beauty surgeon na si Dra. Vicki Belo – ang Teleserye Princess ng ABS-CBN na si Empress.

But before we jump into something else, hindi po pagpapaayos sa mukha ang ie-endorse ng dalaga. Wala naman kasing masyadong problema sa mukha ni Empress and still young para magpagalaw ng kanyang face. Magpapasipsip ng taba sa hita si Empress. Hindi raw kasi siya confident sa laki ng kanyang hita. Kaya nga raw madalas hindi siya nagsusuot ng jeans dahil lalong nabibigyan nng emphasis ang laki ng kanyang hita.

Nagulat kami nu’ng sinabi ni Empress na she’s 21 now. Kailan lang ay umattend pa kami ng Rockstar-themed debut party niya, huh! At kahit 21 na, mukhang inosente pa rin ang aktres. Si Empress ang ikalawang talent ni Tita Becky Aguila na Belo endorser. Ang nauna ay si Jennylyn Mercado na lalong gumaganda ngayon at may pelikula with Derek Ramsay na isa sa official entries sa MMFF sa December.

While ito namang si Empress is doing an action movie with Rayver Cruz. Part ng SOCO investigation team si Empress at pulis naman si Rayver. Under ABS-CBN Productions ang movie.

Anyway, things are still getting better for Empress and until now wala pa siyang boyfriend. Hindi kaya sila ni Rayver ang magka-debelopan habang ginagawa nila ang movie nila? Pareho namang unattached sina Empress at Rayver ngayon, e. Kaya, pwede ‘di ba?

Read more...