Lovelife ni Mommy Dionesia nag-trending; Iginaya kay Kris Aquino

NAG-TRENDING sa social media ang ulat na may boyfriend ang ina ni boxing champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na si Dionesia Pacquiao.

Ikinukumpara ngayon si Mommy D (palayaw ni Dionisia) bilang matandang bersyon ng bunsong kapatid ni Pangulong Aquino III na si Kris Aquino.

Pinag-usapan kahapon sa Internet ang ulat hinggil sa boyfriend ni Mommy D.

Sa isang panayam sa telebisyon, mismong ang boxing champ ang nagbuko kay Mommy D. na may idine-date itong lalaki.

Ilan sa mga netizen ang nagkomento na masaya sila sa namumukadkad na lovelife ni Mommy D.

Idinaan naman ng iba sa biro ang kanilang komento sa pagsasabing naiinggit sila kay Mommy D.

Sa isang hiwalay na panayam sa brodkaster na si Ted Failon, minaliit naman ni Mommy D. ang isyu.

“Ay ayaw. Marami diyan. Natural lang na merong manligaw,” aniya bago siya mapahalakhak.

Read more...