Pauleen Luna hinimatay

Tanong ni Vic: Naghahanap ba ng maasim?

HINIMATAY si Pauleen Luna kahapon habang nakasalang sa “Juan For All, All For Juan” segment ng Eat Bulaga sa San Juan, Davao City. Kasama ni Pauleen sa Davao sina Allan K at Paolo Ballesteros.

Biglang ipinatigil ni Vic Sotto (nasa studio) ang nasabing segment para mabigyan agad ng first aid si Pauleen.

Agad na isinakay sa ambulansiya ang TV host-actress na nagpahatid daw muna sa kanyang hotel pata makapagpahinga.

Kuwento ni Allan K, baka dahil sa puyat at sa tindi ng init sa Davao City kaya hindi na nakayanan ni Pauleen.

Halos 2 a.m. na raw kasing natapos ang commitment ni Pauleen nu’ng Linggo at hindi na rin ito halos nakatulog.

“Sa bahay ko na  siya dumiretso nu’ng madaling araw tapos sabay na kaming pumunta sa airport.

Halos wala na kaming pahinga kaya siguro bumigay. Sobra rin kasi ang init dito sa Davao,” sabi  ni Allan K.

Nagtawanan naman ang mga tao sa studio ng Eat Bulaga nang tanungin ni Vic kung hindi raw ba naghahanap ng maasim si Pauleen, “Nagtatanong lang naman!” biglang bawi ni Bossing.

Read more...