Paolo di apektado sa sex video: Tuloy ang buhay!


Tila hindi naman apektado so Paolo Bediones sa kumalat na sex video nila ng isang sexy starlet. Inaasahan kasi ng publiko na hindi muna siya lalabas sa TV dahil sa iskandalong kinasasangkutan niya.

Pero noong Lunes nga, sa gitna ng pagkalat ng sex video, umapir pa rin si Paolo para sa nightly newscast ng Aksyon Tonite sa TV5 na parang walang nangyari.

Pero bago magsimula ang nasabing programa, nag-post ng litrato ng damit na isusuot niya sa news program ng TV5 si Paolo na may mensaheng: “Getting ready for Aksyon Tonite.

I am truly blessed to have a family like mine. Solid friends around me and supporters who are there no matter what. Overwhelming love. Life goes on. On air in a bit.”

Read more...