Joey galit na galit sa ‘PUMATAY’ kay Bossing: Mga duwag kayo!!!


Joey de Leon seems to have fumed when reports on social media surfaced saying na patay na si Vic Sotto. Tinawag na duwag ni Joey ang nagpakalat ng chismis na patay na ang veteran comedian.

Nilahat na niya ang  mga gumagawa ng kalokohan sa social media, tinawag niya itong mga duwag. Kasi nga naman, wala silang pangalan kaya ang lalakas ng loob nilang magpakalat ng maling balita.

Actually, nagbiro pa si Joey when  someone asked him about the hoax report about Bossing. “When asked about Bossing’s ‘death’ yesterday, sabi ko, ‘Alam ko nakabaon pero buhay!’” ‘Yan ang pabirong tweet ni Joey.

( bandera.ph fle photo )

Read more...