Taga-Taguig, QC maghahati sa P18.3M lotto jackpot

DALAWA ang maghahati sa P18.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola Lunes ng gabi.Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang mga nanalo ay tumaya sa Signal Village, Taguig City; at Tandang Sora, Quezon City.

Ang tinamaan nilang mga numero ay 18-42-33-23-13-26. Umabot sa P15.3 milyon ang halagang itinaya sa naturang bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto, 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sentimos sa Charity Fund at ang nalalabi ay sa operasyon ng lotto.

Read more...