Lea inggit na inggit sa ‘BOSES’ ni Anne


Kaya raw biglang nagmaldita at nagmaasim

Nanggigigil ang mga tagahanga-tagasuporta sa Twitter ni Anne Curtis sa ginawang pagmamaasim ni Lea Salonga laban sa magandang young actress.

Ipinagdiinan kasi ng international performer na sintunadong kumanta si Anne, walang-wala sa tono, at ikinaiinis daw nito ang mga ganu’ng singers na walang respeto sa industriya ng musika.

Komento ng mga tagasuporta ni Anne ay matindi lang ang inggit ni Lea sa magandang young actress dahil napaapaw niya ang Smart Araneta Coliseum, ang concert venue na hirap na hirap punuin ng mga pinakasikat mang singers d’yan, maging ni Lea Salonga.

Komento ng isang nakakuwentuhan naming tagahanga ni Anne, “Bakit, nagpanggap ba siyang magaling na singer?

Di ba’t madalas naman niyang sabihin na she’s not a singer, much more a concert artist, she just loves to sing!”


Hindi naiintindihan ng mas nakararami ang katwiran ni Lea na walang respeto si Anne sa industriyang mahal nito, ang alam lang ng mga nakapanood sa kanyang pagmamaasim ay matindi ang kanyang inggit sa magandang batang aktres, dahil kinabog silang lahat ng hindi naman magaling kumantang si Anne.

“Bakit kasi hindi matanggap-tanggap ni Lea na tapos na ang panahon niya? Totoo, pride siya ng ating bayan lalo na nu’ng nag-Miss Saigon siya, pero habampanahon ba siyang matutulog sa accomplishment niyang ‘yun?

“Tumigil na siya, hindi siya pinakikialaman ni Anne sa kahit anong ginagawa niya, kaya tantanan na niya ang pakikialam sa buhay at career ng ibang tao!” galit na galit pang patutsada kay Lea Salonga ng isang tagasuporta ng napakagandang si Anne Curtis.

Read more...