Sulat mula kay Teret ng Tagbina, Surigao del Sur
Dear Sir Greenfield,
Napakasakit dahil ang paghihiwalay na lang ang paraan para hindi mauwi sa sakitan ang aming pamumuhay ng boyfriend ko. Nagmula sa maliit na tampuhan sa maliit na bagay. Hindi niya kayang lunukin ang kanyang pride. Ang akala ko ay huhupa rin dahil idinaan ko ito sa pabiro. Hindi ko napansin na seryoso na pala siya dahil hindi siya palaimik at tahimik lang. Hanggang sa bigla siyang sumigaw, na labis kong ikinagulat. Lumaki na ang problema. Dinadalaw na ako ng labis na kalungkutan. Magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit limang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text sa akin? May 15, 1993 ang birthday ko at January 15, 1991 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Teret ng Tagbina, Surigao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palm
Mataas ang pride
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...