Vice, Ai Ai pilit winawasak ng mga tsismosa


CLUELESS ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa isyung ibinabato sa kanila ni Vice Ganda. May lumabas kasing balita na sinabi raw ni Vice na mister ni Babalu ang komedyana.

Naganap pa diumano ang “panlalait” ni Vice kay Ai Ai sa noontime show na It’s Showtime. Nagpaliwanag na rin naman si Vice tungkol dito, wala raw siyang sinabing ganoon patungkol sa Comedy Queen.

Ang ikinagulat pa ni Vice ay sinabi niya raw ‘yun on air na hindi  niya magagawa kay Ai Ai. Feeling namin, may gusto lang sumira sa dalawang Kapamilya stars.

Mas gusto na lang pag-usapan ni Ai Ai ang nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahan niyang indie film at entry sa New Breed category sa Cinemalaya Film Festival na magsisimula sa Agosto 1, ang “Ronda” sa direksyon ni Nick Olanka.

Gaya ng kanyang role sa “Tanging Ina” movies, Ai Ai plays a mother role but this time isa naman siyang pulis. “Nagro-ronda, kami taga-ronda na mga Manila police. Matinong pulis siya, hindi corrupt.

Marami kami sa pelikula pero ang ka-buddy-buddy kong pulis si Carlos Morales. Si Carlo Aquino kasama ko rin dito. Of course, my Papa Cesar Montano.

Puro ano lang ‘yun paki-paki lang at puro one day lang,” kwento ni Ai Ai nu’ng makausap namin sa presscon ng pelikula.
Co-producer din pala si Ai Ai ng “Ronda.”

This is not the first time na artista at producer din at the same time si Ai Ai sa kanyang pelikula. Marami na siyang naprodyus na pelikula noon at ang pinakahuli ay ang movie nila ni Marian Rivera na “Kung Fu Divas.”

“Mas okay ang indie film kasi mas mura unlike sa mainstream. Ang pinakamababang percent is P5 million,” lahad nii Ai Ai.
Marami rin daw siyang natutunang kakaiba sa larangan ng pag-arte habang ginagawa ang “Ronda.”

“Masarap at simple. Less is more. ‘Yung kunyari, ‘di ba sa mainstream kapag nakakita ka ng malaking ilaw, aanggulo, ka? Sabi ni Direk (Nick Olanka), ‘Dito kahit hindi ka umanggulo.

Kapag sinabi ko kung saan ka nakatayo doon ka lang. Kahit nakatalikod ka, okey lang.’ Ganoon pala ‘yun. Art-art, ‘te,” pagmumuwestra ni Ai Ai.

Hindi nag-e-expect si Ai Ai na manalo ng Best Actress sa New Breed Category ng Cinemalaya, “Ma-nominate lang ako, okey na. Kapag nanalo ng award, super bonus na.

Pag gusto ni God na manalo ako, game na! At least, kahit ano’ng mangyari, na-experience ko ang makagawa ng indie film,” pahayag pa niya.Wish ni Ai Ai na mapasama sa international film festivals ang “Ronda.”

Samantala, one of the highlights and most challenging parts sa paggawa niya ng “Ronda” ay ang love scene nila ni Cesar, “Of course! Ha-hahaha! May konting boobs na nakita pero konting-konti lang,” natatawa pa ring sabi sabi ni Ai Ai.

( Photo credit to EAS )

Read more...