Milo Marathon NCR leg aarangkada ngayon

LIBU-libong mananakbo ang tutungo sa Mall of Asia ground sa Pasay City ngayong madaling araw para National Capital Region leg ng 38th National Milo Marathon.

Limang distansya ang paglalabanan sa karerang ito  ngunit ang tampok dito ay ang 42.195-kilometer full marathon na siyang qualifying race para sa national finals sa Disyembre.

May mga malalaking premyo, medalya at tropeyo ang nakataya para sa mga mananalo sa lahat ng distansiya. Isa mga insentibong makakamit ng top male at female Filipino finishers sa Disyembre ay ang karapatang katawanin ang Pilipinas sa Tokyo Marathon.

Sa ganap na alas-3 ng madaling araw sisimulan ang aksyon sa 42K race ngayon at kailangang tumapos ang isang kalahok sa loob ng anim na oras para  makapag-uwi ng finishers medal.

Ang iba pang distansyang paglalabanan ay  21K, 10K, 5K at 3K at ito ay lalarga sa ganap na ika-4:30, 5:30, 5:35 at 5:40 ng umaga ayon sa pagkakasunod.

Pagkatapos ng NCR leg ay darayo ang 38th National Milo Marathon sa   Naga (Agosto 24), Lucena (Agosto 31), Puerto Princesa (Setyembre 7), Lipa (Setyembre 14), Iloilo (Setyembre 21), Bacolod (Setyembre 28), Tagbilaran (Oktubre 5), Cebu (Oktubre 12), Butuan (Oktubre 19), Cagayan de Oro (Nobyembre  9), General Santos (Nobyembre 16) at Davao (Nobyembre 23).

Read more...