Lloydie: Hindi bold ang pelikula namin ni Angel!

NAGING special guest sa “Mismo” program namin sa DZMM Teleradyo the other night si John Lloyd Cruz para sa promo ng pelikula nilang “Unofficially Yours” under Star Cinema.

Kasama ni Lloydie sa movie na ito ang partner niya noon sa Imortal ng ABS-CBN before, si Angel Locsin.

This is their first movie together, isang romantic-comedy that talks about life – about normal relationships na tinamaan ng maraming conflicts.

Kumbaga, kung anumang liberation ang mapapanood sa movie na ito tulad ng mga regular na nanngyayari sa magsyota sa kontemporaryong panahon doesn’t mean na bad influence sila kaagad sa kabataan.

“Hindi naman nila dapat isiping ganoon.

Hindi naman masama ang istorya namin – it’s something normal na nangyayari talaga sa totoong buhay.

Just like one of those relationships na hindi naman weird. Maganda ang istorya and well-crafted by direk Cathy Garcia-Molina.

“Tsaka yung sa pelikula as a whole is truly entertaining, maraming values na mapupulot kaya doon sa mga nagsasabing hindi ito magandang influence para sa mga kabataan, that’s not true at all.

We are here to present a very beautiful story,” ani John Lloyd na napakaguwapo nu’ng gabing iyon.

Kahit ang mga staff ng DZMM ay nakapila sa labas ng booth para lang makapagpa-picture sa kanya.

Nakakatawa kasi ang poster ng movie, ang cute.

Pereho sila ni Angel na nakahubad at diyaryo lang ang nagtatakip sa kanilang private parts. Kaya biniro ko si Lloydie na sana’y dyaryo na lang ako. “Bakit dyaryo?” tanong naman niya sa akin.

Para kako mabasa niya ako. Ha-hahaha! Natawa rin si Lloydie nang ma-realize niya ang ibig kong sabihin.

May mga lumabas kasing items na hubo’t hubad daw talaga siya sa mga maseselang eksena nila ni Angel at hindi raw siya pumayag na maglagay ng plaster.

“Hindi ito bold film, ha. It’s just a very realistic film. Yung sexiness ng pelikula ay hindi naman namin sinasadya.

Tsaka yung suggestion nila dating maglagay ako ng plaster, tinanggihan ko dahil may nagsabi na masakit pag tinanggal.

Panoorin n’yo na lang and you’ll truly enjoy it. Masaya talaga,” ani John Lloyd na tested and proven na ang paggawa ng mga magagandang films.

Biniro ko rin siya nang sabihin kong I find him truly sexy. Physically, I find him fit too kahit sabihin pa nating hindi siya tulad ng mga hunky actors nating may mga six-pack-abs or what.

“I represent the many. Pag nagpaganda rin ako ng katawan tulad ng karamihan sa kanila, baka wala nang maiwang katulad ko.

Ha-hahahaha! Mas marami ang makaka-relate sa akin physically dahil marami diyan ang walang abs-abs, di ba? Normal lang,” aniya pa.

Tama naman si Lloydie, eh. Para sa akin, his appeal is exhibited via his total persona.

He’s so intelligent, napakaguwapo ng mukha at higit sa lahat, napakagaling niyang umarte. That’s how attractive John Lloyd is really in person. kaloka! Hay…

Anyway, sa Feb. 15 na ipalalabas ang “Unofficially Yours” sa more than 100 theaters nationwide. But of course, meron silang red carpet premiere come Feb. 14 (Valentine’s Day) at SM Megamall cinemas 9 and 10 at 7 p.m..

Kaya kung wala kayong mga lakad sa araw na ito, spend your Valentine with them.

Read more...